Traveling | Motorcycle Riding | Running | Mountaineering | and other Outdoor and Sport Activities.....
Pages
▼
Saturday, October 6, 2018
500km Virtual Run Finisher
Konting kwento behind this little accomplishment:
Nag register ako sa 500km in 3months challenge thinking na madali lang eto using 200km-100km-200km pattern. Kaya lang pumetiks ako ng first month at 100km lang ang natapos ko. Ok lang tuloy lang, on track parin naman. Kaya lang pag dating ng 2nd month nag umpisa ng mag uulan at sunod sunod na bagyo kaya 100+km din lang ang natapos ko.
So I started my 3rd month with 290+kms remaining. Ok parin nman, on track pa, kaya pa. I just need to run at least 73+kms per week. Kaya lang, eto naman at nagka sakit naman ako kaya hindi maka hataw ng husto.
Here is now the most challenging part. Last 9 days, kulang pa ako ng 125kms. Meaning I need to run at least 14kms per day for 9 consecutive days. Madali lang takbuhin ang 14kms pero para gawin ko yun ng sunod sunod na siyam na araw, yun ang part na mahirap sa akin. Given na I am 20kgs heavier now, and 10yrs older compare sa mga panahon na ang lakas ko ay nasa peak pa. Added pa na 1 month na akong pinahihirapan ng ubo't sipon ko. No choice, pero cge try lang.
Last 4 days, 56kms remaining. Konti nalang, pero masakit na talaga ang katawan ko. Masakit na hita, tuhod, ankle at talampakan. Ramdam na ng tuhod ko ang bawat bagsak ng 85kgs na katawan ko lalo na sa palusong. Pati shoulder ko masakit na, ultimo ngipin ko masakit na kapag nagba-vibrate sa bawat hakbang. Gusto ko ng umayaw. Naisip ko narin na ipatakbo ko nalang ang relo ko sa kaybigan ko na tumatakbo. Pero hindi, hindi ako quiter at sayang ang mga nauna ko ng pagod kung at this point pa ako aayaw. Sa lahat ng endurance challenges na sinalihan ko, mabagal lang ako pero lahat tinapos ko kahit beyond cut-off. At hindi ko rin dadayain ang sarili ko. Kaya kahit mabigat na ang paa lalo na dun sa last 2 days, na makatakbo lang ako ng 3kms ay nag ka-cramps na ako ay tyaga lang. Lakad takbo at pakonti konti, right just in time before ending the cutoff day ay na submit ko ang last 12kms ko. Thanks God at kahit mabigat sa katawan ay natapos ko ng safe.
Lessons Learned:
1) Kung kaya ng gawin ngayon, gawin na, wag unahin ang petiks dahil hindi mo alam ang sitwasyon bukas kung papabor parin ba sayo.
2) Kahit ayaw na ng katawan mo, pag gusto pa ng utak mo, kaya parin mag push kahit konti.
#VirtualRun #500KmFinisher #ThePunisher
This is just a test.
ReplyDelete