Pages

Saturday, October 13, 2018

Montalban Trilogy v2 360 - Dayhike

Date: October 07, 2018
Activities: Montalban Trilogy Version 2 - 360 loop - dayhike
Mountains:
     Mt. Parawagan (480MASL)
     Mt. Lagyo Peak 1 and Peak 2 (396MASL)
     Mt. Susong Dalaga (325MASL)
Side trips:
     Wawa Dam and Secret River
Note: Elevation  was referenced from pinoymountaineer.com

Planning:
     This was planned to happen last September pero dahil nag sunod-sunod na ang habagat at malalakas na bagyo ay na re-schedule ng October. Dahil na reschedule, natapat naman na hindi available ang iba kong ka-team kaya dalawa lang kami ni ReyM na natuloy.

Hike Day:
     Met with ReyM at the nearby 7-11 store then headed to Petron C5 para magpa gas and took our early breakfast. Around 5am when we left Petron Diego Silang heading Montalban, Rizal.


     Around 6:30AM ng makarating sa Sitio Wawa. Met wit our guide Ezra, register sa baranggay hall, prepare ourselves and buy some stuffs then start trek na heading our first mountain, Mt. Parawagan. Instead of doing the out and back trail to Parawagan summit, we opt to use the 3km assault trail to at least complete this version 2 trilogy with continuos 360 degrees loop.


     Medyo nabigla kami sa route na eto dahil from jump-off ay mga 200 meters na patag lang then straight ~3km assault na up to Parawagan grassland. Pero ganun pa man, na enjoy naman namin ang view ng mga karatig na bundok na naliliwanagan ng papataas na araw sa tuwing titingin ka sa iyong likuran. Hindi pa masyadong mahapdi sa balat dahil around 7:30am pa lamang and it's a perfect timing para salukin ang vitamin D na ibinibigay ng araw.


     Pasado alas-otso ng makarating sa summit ng Mt. Parawagan. Yung mohon na tinu-tungtungan namin ang nagsi-silbing marker ng summit ng Mt. Parawagan. Konting pictures at nag umpisa narin kaming bumaba para puntahan naman ang mas mababamg bundok na Mt. Lagyo  na syang pangalawang bundok sa aming listahan.


     Pababa ng Mt. Lagyo ay mas maluwag na ang daan at puro pababa na kaya mas madali na at nakaka lakad-takbo na kami na syang nagpabilis naman ng aming pacing.


     Rehydrate lang sa Jimmy store na nasa kanto ng Parawagan-Lagyo intersection at muling nagpatuloy.
     Around 10:30am ng makarating kami sa Lagyo Peak 1. Pagdating namin ay may mga hikers pa na nagpi picture sa magagandang rock formation ng Mt. Lagyo kaya sinamantala naman namin na makapag pahinga at konting picture din sa ibang angle na hindi kami makaka abala sa kanila.



     Then our turn comes to have our own version of different poses. Magagaling ang mga guide dito dahil kabisado rin nila yung magagandang angle kung saan ka dapat pumwesto at saan din sila or yung camera pu-pwesto. Patuloy na tumataas ang araw at unti unti ng nagiging masakit sa balat, nakaka uhaw at nakaka pagod pero halos hindi mo mapansin dahil sa ganda ng mga nakikita mo sa paligid at gusto mo na halos lahat ng spot ay makuhanan mo.



    Konting kalabit pa ng camera and after around 30mins ay nag decide na kaming lumipat sa kabilang spot kung saan magaganda din ang view, sa Mt. Lagyo Peak 2.   11:45am ng dumating kami sa area ng Lagyo Peak 2, pero dahil hapong-hapo na kami sa sobrang init ay nag 15mins break muna kami sa ilalim ng magka duktong na bato na parang kweba. Water break, energy drink at kinain ang aming baon na nilagang itlog para maka regain ng lakas.


     Masarap na ang pagkaka salampak sa bato na halos makaka idlip na kami ng biglang tinawag na kami ng aming guide. Eksakto alas dose pero tamang-tama na makulimlim ang langit kaya sinamantala namin na magpicture sa mga oras na eto para hindi masyadong mainit.


     Ganun muli, konting pictures at nag umpisa na uli kaming bumaba patungo naman sa aming ikatlong bundok, ang Mt. Susong Dalaga.
    Ang makulimlim na ulap pala na yon ay isang buhos ng ulan na hindi na nga napigilang ibagsak habang binabagtas namin ang masukal na daan pababa ng Susong Dalaga. Mabuti narin at nakababa na kami galing sa batuhan ng Lagyo dahil kung hindi ay mas mahihirapan kaming bumaba. Pagdating ng summit ng Susong Dalaga ay patuloy parin ang pagbuhos ng ulan kaya hindi kami makapaglabas ng gadget para mag picture. Nag antay pa ng konti at maya maya ay humina narin ang ulan. Konting picture lang as our prof at binagtas na namin ang matarik at madulas na daan pabalik sa jump-off.


Mt. Susong Dalaga on the left


     Around 2:15pm ng matapos ang 360 loop at makabalik kami sa jump-off. Medyo may maha-habang pahinga kami bago mag proceed sa sidetrip. Perfect timing naman para sa aming late lunch. Alas tres ng hapon ng mag umpisa kaming mag lakad-lakad patungo sa aming side trip, ang Wawa Dam and Secret River.
Wawa Dam

Mt. Binacayan on the left and Mt. Pamitinan on the right

      From Wawa Dam, we rode a 10mins boat ride up the river to reach secret river.




     Picture taking and enjoyed dipping in cold stream water and we ended the day.

The Montalban Trilogy Version 2 - 360 Route



Our Itinerary:
4:30am - Meet up ang early breakfast
5am - ETD from Taguig heading Rodriguez, Rizal
6:15am - ETA at Wawa. Register and buy stuff.
6:45am - Start trek via 3km assault trail
7:45am - ETA Parawagan grassland
8am - ETA Parawagan summit
9am - ETA Parawagan/Lagyo trail intersection
10:30am - ETA Lagyo Peak 1
12nn - ETA Lagyo Peak 2
1pm - ETA Mt. Susong Dalaga summit
2:15pm - ETA jump-off
3pm - ETA Wawa Dam
3:30pm - ETA Secret River
5pm - back at jump-off
6pm - ETD heading back to Taguig
8pm - ETA Taguig


Our Expenses (per person)
Breakfast - P120
Registration - P50
Drinks along the trail - P100
Lunch - P90
Boat ride - 120/2= P60
Guide Fee - 1500/2= P750
Certificate - P45
Total Expenses per Person = P1,215


How do we get there:
     Since we are only 2, we used our motorcycle as our mean of transportation.
   From Petron Diego Silang, straight the C5 northbound then turn right towards riverbank avenue. Head north then turn left at JP Rizal Ave. Go straight in JP Rizal and turn right to MH Del Pilar then straight ahead up to Sitio Wawa, Rodriguez, Rizal
Shared route:
https://goo.gl/maps/MgQPbsFM4T52


Suggested route from Taguig using public transport:
1. Ride jeep from PDS to Guadalupe
2. Ride bus from Guadalupe to Cubao
3. Ride van from Cubao going to Rodriguez Rizal and ask the driver to drop you off Montalban station.
4. Ride trike going sitio Wawa, Baranggay Hall


Contact:
Our guide Ezra - +63 950 2639906



Saturday, October 6, 2018

500km Virtual Run Finisher


Konting kwento behind this little accomplishment:

Nag register ako sa 500km in 3months challenge thinking na madali lang eto using 200km-100km-200km pattern. Kaya lang pumetiks ako ng first month at 100km lang ang natapos ko. Ok lang tuloy lang, on track parin naman. Kaya lang pag dating ng 2nd month nag umpisa ng mag uulan at sunod sunod na bagyo kaya 100+km din lang ang natapos ko.

So I started my 3rd month with 290+kms remaining. Ok parin nman, on track pa, kaya pa. I just need to run at least 73+kms per week. Kaya lang, eto naman at nagka sakit naman ako kaya hindi maka hataw ng husto.

Here is now the most challenging part. Last 9 days, kulang pa ako ng 125kms. Meaning I need to run at least 14kms per day for 9 consecutive days. Madali lang takbuhin ang 14kms pero para gawin ko yun ng sunod sunod na siyam na araw, yun ang part na mahirap sa akin. Given na I am 20kgs heavier now, and 10yrs older compare sa mga panahon na ang lakas ko ay nasa peak pa. Added pa na 1 month na akong pinahihirapan ng ubo't sipon ko. No choice, pero cge try lang.

Last 4 days, 56kms remaining. Konti nalang, pero masakit na talaga ang katawan ko. Masakit na hita, tuhod, ankle at talampakan. Ramdam na ng tuhod ko ang bawat bagsak ng 85kgs na katawan ko lalo na sa palusong. Pati shoulder ko masakit na, ultimo ngipin ko masakit na kapag nagba-vibrate sa bawat hakbang. Gusto ko ng umayaw. Naisip ko narin na ipatakbo ko nalang ang relo ko sa kaybigan ko na tumatakbo. Pero hindi, hindi ako quiter at sayang ang mga nauna ko ng pagod kung at this point pa ako aayaw. Sa lahat ng endurance challenges na sinalihan ko, mabagal lang ako pero lahat tinapos ko kahit beyond cut-off. At hindi ko rin dadayain ang sarili ko. Kaya kahit mabigat na ang paa lalo na dun sa last 2 days, na makatakbo lang ako ng 3kms ay nag ka-cramps na ako ay tyaga lang. Lakad takbo at pakonti konti, right just in time before ending the cutoff day ay na submit ko ang last 12kms ko. Thanks God at kahit mabigat sa katawan ay natapos ko ng safe.

Lessons Learned:
1) Kung kaya ng gawin ngayon, gawin na, wag unahin ang petiks dahil hindi mo alam ang sitwasyon bukas kung papabor parin ba sayo.
2) Kahit ayaw na ng katawan mo, pag gusto pa ng utak mo, kaya parin mag push kahit konti.

#VirtualRun #500KmFinisher #ThePunisher